Kay bilis lumipas ng ating panahon,
Mga batang musmos noo’y binata na ngayon,
Tila isang butong itinanim sa matabang lupain,
Tumubo’t nagbunga ng mga masusustansyang pagkain
Ang mga batang kalaro noo’y masasaya’t masisigla,
Ngayo’y subsob sa pag-aaral, paparito’t paparoon pa,
May ilang nakalimot na sa nakalipas na paalala,
Nasaan na ang pagpapa-isaisip ng mahahalagang katangian?
Noong bata’y nag “po” at “opo”, nagmamano sa magulang,
Tila kay bilis sumunod kapag inuutusan,
Ngunit sa paglipas ay nawala na ang kusa,
Kahit sigawan o pagalitan, tila sarado ang tainga
Nasaan na ang kalarong kay sipag mamasyal?
Ang bunga ng puno noo’y pinapakyaw,
Ngayo’y sila’y makikita sa loob ng bahay,
Kasama ang bagong gadget na bili ng kanilang Itay
Nasaan na ang matalik na kaibigan noon?
Mga batang hindi mapaghiwalay kahit saan maparoon,
Tila nakalimot narin sa sumpang itinatak,
Ngayo’y hindi nagpapansinan kahit marinig pa ang yapak
Nasaan na ang mga taong minahal noon?
Bakit tila kinalimutan na rin ng kahapon?
Ngayon itanong sa ating sarili,
Anong aking ginawa upang sila’y mapanatili?
Hi! Thanks a lot for joining me!
Great blog here! 🙂
LikeLiked by 1 person
Welcome! ❤
LikeLiked by 1 person