Deep Within

HOME

 

Saktong alas tres y media ng umaga, hindi pa rin ako nakakatulog. Sa lahat ng gabing natapos sa buhay ko ay ang gabing nagdaan ang pinakamatagal. Heto’t dilat na dilat pa rin ako. Maraming gumugulo sa isip at minsa’y ramdam ko ang pagsakit ng ulo at ng likod ko. Nakakatawang isipin na ngayon pa ko inatake ng mahinang pangangatawan. Ngayon pa kung kailan kailangan kong maging malakas. Nakaupo pa rin ako sa aking kama. Nilingon ko ang maingay na orasan sa tapat ko. It’s already 3:34 am. Umalis ako sa kama at tumayo. Direkta kong kinuha ang pulang backpack na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko. Inilapag ko yon sa higaan.

Dahan dahan kong binuksan ang drawer. Kumuha ako ng ilang damit panloob, pambahay at pang alis. Kinuha ko na rin ang ilang alahas at pang personal hygiene ko. Kumuha rin ako ng ilang libro at notebooks—yung hindi gaano kabigat. Sa ilalim ng kama ay kinuha ko ang long envelope. Lahat ng yon ay isiniksik ko sa bag. Nang mapagkasya ko na ay bumaba ako ng 2nd floor. Maingat at tahimik kong tinungo ang pintuan ng bahay namin. Sinigurado kong hindi ako maririnig ng kahit na sino, lalong lalo na ng aso namin.

I held my breath and let out a deep and long sigh. Nakalabas na ako ng bahay. Saglit kong tinitigan ang buong bahay. I smiled painfully. Maybe I wasn’t good enough to live there. Maybe, this is the best thing I would ever do. Before any tears could fall, I managed to walk fast as I could. It was so early in the morning—the best time to leave everything behind.

As I walked through the village, I felt the cold wind—embracing me . Sadyang malamig na kasi magpapasko na. Malapit na ako sa labasan nang may makita akong nagtitinda ng bulaklak. Isang matandang babae ang matamang nakatingin sa akin. Bitbit nya sa kanang kamay ang ilang bugkos ng puting rosas at sa kaliwang kamay nya ay isang supot na kulay itim. Ayoko sana syang lapitan o tignan kaso sobrang lagkit ng tingin nya sakin. Masyadong nakakailang talaga. I decided to smile at her. Nang mangitian ko sya ay agad nya kong nilapitan. She waved her hand at me as if hindi ko sya nakikita. Hanggang sa makita ko na lang sya sa tapat ko, nakangiti ng matamis at direktang nakatingin sa mga mata ko. I suddenly felt something in my heart. I felt weird.

“Para sayo iha, tatlong mapuputing rosas.” She said as she handed me the flowers.

Sa totoo lang ayoko itong kunin pero kusang gumagalaw ang mga kamay ko. Kinuha ko iyon at tinignan. They are beautiful. I felt something was building inside me. Pero hindi ko alam kung ano yon.

“Ibigay mo sa Kanya ang lahat iha. Ang bawat takot at pangamba na nasa iyong puso sapagkat nakikita Nya ang lahat. At gusto ka Nyang tulungan”

Napalingon ako sa matandang nasa harapan ko. Tinitigan ko ang mga mata nya. Unti-unti kong naramdaman lahat ng bigat sa puso ko. Pakiramdam ko lahat ng galit at sama ng loob ay lumalabas sa loob ko. When the old lady smiled again, my eyes started to let out the tears—the cry in my heart.

I closed my eyes. I started to feel everything. Memories were flashing in my mind. Everything, the good and the bad—everything. Halos hagulgol na ang ginawa ko. Tanging ang iyak ko lamang ang naririnig ko at wala ng iba. Alam kong nagmukha akong tanga, siguro may mga natatawang nakakita na sa sitwasyon ko. Pero wala akong lakas para buksan ang mata ko. Gusto ko lang ilabas lahat…lahat lahat.

Matapos ang ilang minuto naramdaman kong may isang kamay na humawak sa kanang pisngi ko. It was warm, pero ramdam ko rin ang gaspang nito dala ng katandaan.

“Magtiwala ka iha” sabi nya at saka inialis ang kamay nya sa mukha ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero naramdaman kong unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko may kung anong humahaplos sa puso ko. Hindi maipaliwanag pero alam kong unti-unti kong nailalabas lahat ng mga mapapait na ala-ala at karanasan sa buhay ko na ni isang beses ay hindi ko sinabi kahit kanino. At unti-unti ko ring naramdaman na nawawala na ang lahat pait sa puso ko. Nawala lahat ng galit sa puso ko. For the first time naramdaman ko yung tinatawag na “peace”. Pakiramdam ko lahat ng lungkot ko eh biglang naglaho. Napangiti ako. This time, a genuine one.

Idinilat ko ang mga mata ko. Inaasahan kong makikita ko ang matanda pero wala na sya, siguro’y umalis na. Wala rin akong makitang ibang tao sa daan. Kahit na medyo madilim ay hindi ako nakaramdam ng takot. Yung tatlong puting rosas ay nasa kamay ko pa rin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. I guess, someone just saved me.

Naglakad ulit ako at alam kong mas naging buo na ang desisyon ko. Pagkatapos ng ilang minutong lakaran ay nasa tapat na ako ng lugar na dapat kong puntahan. Binuksan ko ang pinto at maingat na isinara ito. Umakyat ako at siniguradong hindi makakagawa ng ano mang ingay. Huminto ako sa tapat ng isang malaking kama. I am now seeing my parents…sleeping. Tears were flowing from my eyes.

“Sorry po” I said honestly.

Ibinaba ko ang bag at saka sila nilapitan. I kissed them on their forehead. Kinuha ko ulit ang bag at saka tinungo ang maliit kong kwarto. Inilapag ko ang bag sa dulo ng kama at maingat na isinarado ang pintuan ng kwarto ko. Umupo ako at pumikit.

“I know that You are listening Lord. Alam ko na alam mo ang lahat ng nasa isip at puso ko. Lahat ng mga pangamba at takot ko. I know that You want to help me. At gusto kong magpasalamat sa lahat. Thank You for…for not leaving me. Thank You for helping me.” I prayed between tears.

Humiga ako at nagkumot. For the first time in six years, makakatulog ako ng hindi natatakot, nag-aalala, at nagagalit. For the first time in six years, alam kong makakatulog ako ng mahimbing at mapayapa.

Bago pa ako tuluyang makatulog I called out His name again,

 

“Thank You for the flowers”

Leave a comment