Deep Within

Trigger

May mga panahon na parang ang pagsuko ang tanging naiiwan na option sa atin. It’s like, we’ve seen too much, we’ve heard too much, we’ve tried so hard, but things are still the same. Kaya ang ending wasak ang puso at kaluluwa.

 

May mga pagkakataon na kapag nakakaramdam tayo ng sakit eh nagiging resulta ito ng mga bagay na hindi natin ginustong gawin. Nakakainis di ba? Minsan gusto mo na lang mawala para tapos na kaso hindi. Kailangan mo pa ring mabuhay.

 

Minsan akala mo okay ka na pero hindi pa pala. Tipong akala mo tanggap ka na ng iba pero hindi pa rin pala. Akala mo may masusumpungan ka na pero wala pa rin pala. Ang unfair di ba? Ginawa mo naman ang best mo pero hindi pa rin sapat. Ang sakit di ba?

 

Minsan ang nag-iisang paraan para makalimot sa lahat ay ang pagkawala ng iyong sarili. Siguro isa yun sa dahilan kung bakit ang daming nababaliw sa mundo di ba? Tipong hindi na nila kinaya kaya ayun, tinakasan na ng bait.

 

Minsan akala mo nakakita ka na ng pag-asa. Akala mo matatapos na dahil ramdam mong may patutunguhan ka na ulit. Pero sa isang iglap, nawala lahat. Akala mo matatapos na, pero hindi pa pala. Hindi pa pala tapos lahat ng hirap at sakit. Hindi pa pala tapos yung mga araw na nagpapaka-okay ka pagkatapos sa gabi ay magmumukmok ka at iiyak.

 

Minsan akala mo hindi mo na iisipin yung mga bagay na yon. Pero halos minu-minuto mong iniisip at nakakabaliw na dahil alam mong hindi mo na kakayanin. Iniisip mo na kaya mo pa, sinasabi mo pero yung katawan mo, isip mo, at puso mo eh hindi na kaya.

 

Sana ganun lang kadaling maging matatag at maging matapang. Sana ganun lang kadaling magbingi-bingihan sa lahat ng naririnig mo. Sana sa mga pagkakataong ganun, alam mo kung anong gagawin mo para hindi ka nagmumukhang tanga at kawawa.

 

Sana matapos na lahat. Kasi baka sa susunod, hindi mo na talaga kayanin at tuluyan mo nang iwan ang lahat. Kasi alam mong wala ka nang mapupuntahan. Tapos na ang lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s