Bluestone Poems

Para sa aking mga Guro

Isang gurong mapag-alaga,

Mapagmahal, mapagtiwala,

Matalino’t maaasahan,

Sa lahat ng tulong na kailangan

 

Aking guro sa Matematika,

Pati ang sa Pisika,

Sa Filipino, MAPEH, at AP,

Wala na’kong mahihiling pa

 

Para sa mga gabay at pangaral,

Upang kami’y patuloy na mag-aral,

Sa bawat tawanan at iyakan,

Ng mga araw nating pinagsamahan

 

Nais kong pasalamatan mga aral na’yong tinuran,

Aking tatandaan gabay na’yong iningatan,

Lahat ng ala-ala na ating pinagsamahan,

Laging isasaisip, iyo’y di malilimutan

 

Kaya isang tula’y ginawa ng malaya,

Upang mapahayag na ika’y isang biyaya,

Ika’y mananatili dito sa aking puso,

At kahit kailan man ay di ito mababago

 

At ngayo’y nalalapit na ating paghihiwalay,

Nalalabing mga oras na lamang ang hinihintay,

Mga huling araw at sandali sa silid-aralan,

Mami-miss ka namin ‘yan ang tatandaan

Nangangakong mabubuhay, laging magiging mapagbigay,

Upang iyong pinaghirapan akin nama’y maialay,

Buong puso’t isipan tinuran mo’y laging nariyan,

Habang buhay at kailanman, aariing isang kayamanan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s